^

Balita Ngayon

Ulat na 80 sumukong MNLF, hindi totoo - PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nagpasinungaling ng ulat na may 80 miyembro ng Moro National Liberation Front sa  Zamboanga City ang sumuko kagabi.

"Mali ang report. Wala pang sumuko. May naaresto, initially may mga naitaboy na din," komento ni Aquino ngayong Biyernes sa lumabas na ulat ng news website na Rappler.com.

Sinabi ng Rappler.com na kasamang sumuko ng mga rebelde ang isang pari na kalauna’y nakilalang si Fr. Michael Ofana.

Kaugnay na balita: Bihag na pari pinalaya ng MNLF

Samantala, nagpatupad ng sapiliitang paglikas ang Zamboanga City Council sa barangay Rio Hondo, Santa Catalina, Talon-Talon at Mampang.

Dumating sa lungsod kaninang umaga si Aquino upang personal niyang tiningnan ang kalagayan ng mga apektadong residente na nakatigil sa mga evacuation center at mga sundalong patuloy ang pagharap sa mga tauhan ni Nur Misuari.

Pangunahing inalala ni Aquino ang pagtiyak sa seguridad ng mga apektadong residente dahil sa tumataas na tension sa lugar.

Sinabi ng Pangulo na hindi magdadalawang-isip ang gobyerno na gumamit ng puwersa upang masugpo ang mga miyembro rebeldeng MNLF.

"Tapos na ang maliligayang araw nila," patukoy ni Aquino sa mga rebelde na umuukopa ng ilang lugar sa limang barangay ng siyudad.

Umabot na sa 12 ang nasawi sa kaguluhan at 24,800 katao naman ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan.

AQUINO

MICHAEL OFANA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RAPPLER

RIO HONDO

SANTA CATALINA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with