^

Balita Ngayon

Mandatory scholarship sa mahihirap isinulong sa Kamara

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil sa paunti na numinipis na bilang ng mga kabataang nakakatuntong sa kolehiyo, nais ng isang mambabatas na magkaroon na ng mandatory scholarship at tulong pinansiyal ang gobyerno sa mga "underprivileged students" sa bansa.

Inihain ni Quezon City Rep. Alfredo Vargas III ang House Bill 2351 upang makapagpatuloy sa kolehiyo ang mga mahihirap na nakapagtapos ng highschool.

Dagdag ng dating artista na walong porsiyento lamang ng mga nagtatapos sa highschool ang dumidiretso sa kolehiyo dahil sa kahirapan.

Layunin ng panukala ni Vargas na magkaroon ng iskolars na kahit limang porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga estudyante sa bawat paaralan.

Sakop ng panukala ang pampubliko at pribadong paaralan, maging ang mga nag-aalok ng associate at baccalaureate degree.

Kung maipasa ay maglalaro sa 10 hanggang 90 porsiyento ang ibibigay na diskwento sa mga mapipiling iskloar ng bawat paaralan.

ALFREDO VARGAS

DAGDAG

DAHIL

HOUSE BILL

INIHAIN

LAYUNIN

QUEZON CITY REP

SAKOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with