^

Balita Ngayon

MNLF sa Zambo, wala nang supply ng pagkain - AFP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –Gumagana na ang taktika ng gobyerno upang mapasuko ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nanggugulo sa Zamboanga City.

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, pinuno ng 7th Civil Relations Group ng Armed Forces of the Philippines, na kinukulang na sa supply ng pagkain ang mga rebelde.

Hindi umaatake ang mga militar pero siniguro nilang pinalibutan nila ang ilang barangay na sinakop ng mga rebelde upang hindi sila makalabas at walang makapasok na mga tulong.

Samantala, pinabulaanan din ni Cabunoc ang ulat na may mga sumuko nang miyembro ng MNLF sa pamumuno ni Nur Misuari.

"Nobody among the armed intruders in Zambo surrendered. But, most of them are starving and hiding in fear behind hapless civilians," banggit ni Cabunoc.

 Pinasinungalingan din ni Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Region Office 9 (Zamboanga Peninsula), ang ulat na may 80 rebelde na ang sumuko sa kanila.

Mula nitong Lunes ay hawak ng mga rebelde ang ilang barangay sa Zamboanga City kung saan may mga bihag din silang ginagawang “human shield.”

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CABUNOC

CIVIL RELATIONS GROUP

HAROLD CABUNOC

INSPECTOR ARIEL HUESCA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

POLICE REGION OFFICE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with