Pingris, Nabong 2 laro suspendido
MANILA, Philippines – Two-game suspension at multang P60,000 ang ipinataw kina San Mig Coffee forward Marc Pingris at GlobalPort Fil-Am rookie Kelly Nabong matapos silang magpang-abot sa gitna ng court ng Cuneta Astrodome.
“Fighting will not be condoned by the league. There is absolutely no justification for our players to get involved in fistfights. Strong emphasis is being placed on this policy so much so that those who dare to trigger fights will be dealt with accordingly,†pahayag ni PBA Commissioner Chito Salud tungkol sa pagpapang-abot ni Pingris at Nabong nitong Miyerkules.
Kahapon ay ipinatawag ni Salud sina Pingris at Nabong sa kanyang opisina.
Nangyari ang away sa 8:11 mark ng ikatlong yugto. Sa dulo ay nanalo ang San Mig 102-88.
Samantala, one-game suspension naman at multang P30,000 ang ipinataw sa tropa ni Pingris na si Joe Devance matapos itulak si Marvin Hayes ng GlobalPort.
Hindi naman nasuspinde si Hayes pero kailangan niyang magbayad ng P20,000 para sa kanyang unsportsmanlike foul matapos sikuhin at tuhurin ang Mixers import Marqus Blakely.
“Finally, I want to remind our players that long after sanctions have been served, your overall conduct's impression on our youth will continue to last,†sabi ni Salud.
Hindi makakalaro sina Pingris at Devance sa inaabangang bakbakan ng San Mig at Brgy. Ginebra San Miguel sa Linggo.
- Latest
- Trending