^

Balita Ngayon

Ebidensya kay Napoles at iba pa matibay - De Lima

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matibay ang ebidensyang hawak ng National Bureau of Investigation laban sa umano’y mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at mga kasabwat niyang mambabatas.

"Nagiging maingat lang kami na when we file the cases nandiyan 'yung mga ebidensya ... Galing sa whistleblowers ang pangalan ng lawmakers na ito," pahayag ni Justice secretary Leila De Lima ngayong Huwebes.

Pero hindi naman masiguro ni De Lima kung isisiwalat ba ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman.

"Maswerte tayo kung isawalat ni Napoles ang lahat ng ng alam niya pero sino ba ang nakakasiguro sa'tin ngayon na 'yan ang plano n'ya?" dagdag ng Justice secretary.

Siniguro naman ni De Lima na mananagot ang mga nasa likod ng pangungurakot pero aniya’y bahagyang maaantala ang paglabas ng resulta ng kanilang imbestigasyon.

"It should be within the week. Now, magkakaroon po ng kaunting Delay dahil ang medyo tedious is 'yung pag-o-organisa ng  supporting  [pieces of] documentary eviDence," banggit ni  De Lima.

"Gusto namin masiguro na when we file, presentable at airtight so to speak ang isang kaso," dagdag niya.

Naunang sinabi ni De Lima na naapektuhan ang kanilang imbestigasyon sa pagbibitiw ng pinuno ng NBI na si Nonnatus Rojas matapos kastiguhin ni Pangulong Benigno Aquino III ang ahensya.

Nakahandang isampa ang kasong plunder sa Ombudsman laban sa mga lilitaw na pangalan sa imbestigasyon.

DE LIMA

HUWEBES

JANET LIM-NAPOLES

LEILA DE LIMA

MASWERTE

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONNATUS ROJAS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with