China walang nakikitang mali sa pagpapagawa sa Panatag
MANILA, Philippines – Walang nakikitang mali ang China sa pagkakaroon ng 75 concrete blocks sa pinag-aagawang Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea dahil anila’y teritoryo naman nila iyon.
"What the Philippines said is untrue. The Huangyan Island (Panatag) is China's inherent territory," pahayag ni China Foreign Ministry Hong Lei.
"It is within China's legitimate rights and interests and beyond dispute," dagdag niya.
Iginiit ni Hong na naaayon naman sa kanilang saligang batas ang kanilang ginagawa sa sarili nilang teritoryo kabilang dito ang pagpapatrolya n kanilang mga barkong pandigma.
"Given the current situation, Chinese government ships maintain routine patrol in the waters off the Huangyan Island to safeguard the sovereignty over the Huangyan Island and keep order in relevant waters," sabi ni Hong.
Nitong kamakalawa ay inilabas ni Defense Secretary Voltair Gazmin ang mga larawan kung saan kita ang mga concrete blocks sa Panatag.
Dagdag niya na parte ito ng Pilipinas dahil pasok ito sa 200 nautical mile exclusive economic zone.
Kasalukuyang may arbitration case ang Pilipinas kontra China, ngunit ayaw itong tanggapin ng makapangyarihang bansa sa Asya.
- Latest
- Trending