Palasyo tiwala pa rin kay NBI director Rojas
MANILA, Philippines – Buo pa rin ang tiwala ng Palasyo sa nagbitiw na hepe ng National Bureau of Investigation an si Nonnatus Rojas, ayon sa isang opisyal ngayong Lunes.
Sinabi ni presidential Spokesperson Edwin Lacierda na hindi pa naasikaso ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Rojas pero iginiit niyang tiwala pa rin sila sa kayang gawin ng NBI director.
“Yes (Rojas retains the government’s trust), if you recall, a number of investigations, a number of reports have been initiated under his watch," pahayag ni Lacierda.
Naghain ng “irrevocable†na resignation si Rojas matapos batikusin ni Aquino ang ahensya dahil sa mga nag-tip ng pag-aresto kay Napoles kaya nakapagtago ang kontrobersyal na negosyanteng itinuturong nasa likod ng pork barrel scam.
Kaugnay na balita: Hepe ng NBI tinamaan sa patutsada ni PNoy, nagbitiw sa puwesto
Tinukoy ni Lacierda ang mga malalaking kasong pinangunahan ni Rojas tulad ng imbestigasyon sa Atimonan, Quezon rubout, insidente sa Balintang Channel kung saan pinagbabaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang barko ng mangingisdang Taiwanese na ikinasawa niya.
Kaugnay na balita: NBI iimbestigahan dahil sa 'tip' kay Napoles
“Malaki at marami ang nagawa ni Director Rojas kaya ang rekomendasyon ni (Justice) Secretary (Leila) De Lima ay i-reject ang kanyang resignation,†sabi ni Lacierda.
Sinabi pa ni Lacierda na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng team ni Rojas sa pork barrel scam.
- Latest
- Trending