Ruffa walang balak pumasok sa politika
MANILA, Philippines – Walang planong pumasok sa politika si Ruffa Gutierrez tulad ng kanyang ina.
Naging isyu ang pagpunta ni Ruffa sa United Kingdom para sa isang short course sa King’s College London na sinasabi umanong paghahanda niya sa politika.
“With everything that’s happening now, forget it,†pahayag ng aktres sa launch ng September issue ng Metro Magazine kung saan siya ang cover nitong kamakalawa.
Aniya kuntento na naman siya sa kanyang buhay at maaari naman siyang makatulong sa ibang paraan.
“I’m happy with my life, with the little privacy that I have. And I can help people in my own little way.â€
Noong Mayo ay tumakbo ang kanyang ina na si Anabelle Rama sa pagka-kongresista sa Cebu ngunit hindi siya pinalad manalo.
Inanunsyo ni Ruffa noong Hunyo na kukuha siya ng International Political Economy course sa London, pero nagbago ang isip niya at sa halip ay on Secret and Spies, Modern Espionage and Intelligence ang kanyang kinuha.
“I find it more fascinating, with the Edward Snowden case, with the terrorism that’s happening in all parts of the world. It teaches you about privacy, social media, the Cold War — I just find the course more interesting,†paliwanag ni Ruffa sa one-month course niya.
Behind the scenes
Alam ni Ruffa na hindi naman forever ang showbusiness kaya naman pinaghahandaan niya ito.
Aniya nais niyang pumasok sa paggawa ng mga palabas o pumasok sa fashion.
“I know I won’t be in the business until I’m 50. Maybe I’ll work behind the scenes, producing, doing something in fashion.â€
Kaka-expire pa lamang ng kanyang kontrata sa TV5 at ikunuwento niyang may meeting siya tungkol sa mga susunod niyang proyekto.
“We have a meeting today. Actually, we’re gonna discuss that later. But hopefully soon, you’ll learn about it.â€
- Latest
- Trending