Palasyo sa 'pork' protesters: Magkakampi tayo
MANILA, Philippines - Inihayag ng Malacañang ang kanilang suporta sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Rizal Park kontra sa kontrobersyal na pork barrel system.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa mga raliyista na suportado ng Palasyo ang kanilang ipinaglalaban upang makamtan nila ang pagbabago.
"Ano bang pinaglalaban nila? Saan ba sila galit?" tanong ni Lacierda. "Galit po sila sa maling gamit ng pera ng bayan. Hindi ho ba iyan po ang nilalabanan natin?'
"The message is clear: We are on the same side," dagdag ng tagapagsalita.. "Laban ho tayo sa corruption."
Sinabi pa ni Lacierda na malaki ang tungkulin ng mga mamamayan sa gobyerno kaya naman bukas sila sa mga rekomendasyon para sa pagbabago.
"After Monday, kung gusto niyong magbigay ng rekomendasyon sa DBM, bukas po ang ating kalihim," sabi ni Lacierda.
Pero pinaalaala ni Lacierda na hindi sa kilos protesta natatapos ang laban sa korapsyon.
"Ang kailangan ho natin ay consistent attitude towards ensuring that our money will not be abused and corruption should not be tolerated in any form," ani Lacierda.
- Latest
- Trending