^

Balita Ngayon

Noy binisita ang mga nasalanta sa Laguna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  â€“ Nag-ikot na si Pangulong Benigno Aquino III sa mga nasalanta ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring mula noong Linggo.

Unang pinuntahan ni Aquino ang Biñan, Laguna, na isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.

Namigay ng relief goods sa Dela Paz Elementary School, na nagsilbing evacuation area, sina Aquino kasama sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Siniguro ni Aquino sa mga nasalantang residente na patuloy silang makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Tumungo din ang Pangulo sa katabing bayan na San Pedrp na isinailalim rin sa state of calamity.

Nakatakdang pumunta si Aquino sa Mandaluyong City na sinalanta rin ng pagbaha.

Umabot sa 223,991 pamilya o 1,060,094 katao ang naapektuhan ng pagbaha, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

AQUINO

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DELA PAZ ELEMENTARY SCHOOL

LINGGO

MANDALUYONG CITY

NAKATAKDANG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SAN PEDRP

SOCIAL WELFARE SECRETARY DINKY SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with