'Maring' lumabas na ng Pilipinas, pero Metro Manila uulanin pa rin
MANILA, Philippines – Bahagyang makakaranas na ng pagganda ng panahon ang Metro Manila dahil nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Maring†ngayong Miyerkules.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bandang alas-7 ng umaga tuluyang lumayo si Maring.
Mas maaga ng isang araw ang paglisan sa bansa ng bagyo kaysa sa inaasaahan at patungo itong Taiwan at Katimugang China.
â€We don’t see any chance of ‘Maring’ returning to the country,†pahayag ni PAGASA weather forecaster Benjie de Paz.
Pero kahit nakalabas na ng PAR ay patuloy na uulanin pa rin ang Metro Manila at mga karatig probinsya dahil sa hanging habagat.
â€Rain can’t be avoided as the southwest monsoon is still prevailing, however,†dagdag ni De Paz.
- Latest
- Trending