^

Balita Ngayon

'Salongsu, salongki' text umano ng Riyadh labor official sa OFW

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagharap sa Senado ang tatlong biktima umano ng “sex-for-flight” scheme at ang inirereklamong labor official sa Riyadh ngayon Huwebes.

Sinabi ng isang biktimang si “Michelle” na pinagtangkaan siyang gahasain at ibugaw ni labor attaché Antonio Villafuerte sa isang Egyptian national.

Upang mas makilala, tinanggal ni Michelle ang kanyang belo.

 â€œNgayon Mr. Villafuerte, naaalala mo po ba ako... 'yung ginawa nyo sa akin?" tanong ni Michelle habang umiiyak.

Kuwento pa ni Michelle na nakakatanggap siya ng mga text message mula kay Villafuerte tungkol sa kanyang underwear tulad ng “salongsu” at “salongki.”

Kinupirma naman ni Villafuerte kay Senator Jinggoy Estrada na kilala niya si Michelle ngunit itinanggi nitong pinagtangkaan niya ito ng masama.

"Hindi ko po inaasahan na itatanong niya po sa akin ay sobrang kabastusan," sabi naman ng isa pa umanong biktima na si “Angel.”

Isinagawa ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano’y pambubugaw ng labor officials sa mga babaeng overseas Filipino worker kapalit ng pagpapauwi sa kanila.

ANTONIO VILLAFUERTE

HUWEBES

ISINAGAWA

KINUPIRMA

MICHELLE

MR. VILLAFUERTE

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATOR JINGGOY ESTRADA

VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with