^

Balita Ngayon

8 domestic flights kanselado

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walong domestic flights ang kinansela ngayong Lunes dahil sa pananalasa ng bagyong “Labuyo” sa Luzon.

Kinansela ng Cebu Pacific ang anim nilang biyahe, habang dalawa naman sa Philippine Airlines Express.

Kabilang sa mga hindi nakabiyahe ang 5J-821 Manila-Virac; 5J-822 Virac-Manila;  5J-504 Manila-Tuguegarao; 5J-505 Tuguegarao-Manila; 5J-196 Manila-Cauayan; at 5J-197 Cauayan-Manila ng Cebu Pacific, habang flight 2P-084 Manila-Basco at 2P-085 Basco-Manila ng PAL Express.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa Baguio City kaninang alas-10 ng umaga.

May taglay na lakas pa rin si Labuyo na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.

Inaasahang  nasa 360 km Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang bagyo bukas o nasa labas na ng PAR.

Pero nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.

Signal number 2 naman sa Isabela, Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija, habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Babuyan at Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon including Polillo Island, at Metro Manila.

Samantala, maraming klase sa Metro Manila ang sinuspinde upang maiwasang ma-stranded ang mga estudyante ayon sa National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC).

BAGUIO CITY

CALAYAN GROUP

CEBU PACIFIC

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

LABUYO

MANILA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with