^

Balita Ngayon

Libreng paggamit sa mga palikuran itinutulak sa Kamara

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang matugunan ang kakulangan sa mga palikuran, isinusulong sa kamara ang pagbabawal sa paniningil sa paggamit ng mga pribado at pampublikong palikuran.

Sinabi ni AVE party list representative Eulogio Magsaysay na layunin ng House Bill 300 o ang Free Comfort Rooms Act of 2013 na maiwasang kung saan-saan dumumi ang publiko.

Aniya, 9.1 milyong Pilipino ang walang sariling palikuran kaya kung saan-saan umiihi at dumudumi, habang 15.2 milyon naman ang gumagamit ng pampublikong palikuran.

Dagdag niya na isa rin ito sa mga kinakaharap na problema ng mga pampublikong paaralan.

"This has been an on-going problem of the department of education aside from the lack of classrooms," sabi ni Magsaysay.

Sinabi ni Magsaysay na isa ang palikuran sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko.

"The fundamental law promotes basic service to the under privileged. Public comfort room is one of the basic needs of our people.”

Sa ilalim ng panukala, ipinagbabawal na ang paniningil para sa paggamit ng palikuran.

Magbabayad ng multang P10,000 ang mahuhuling lumalabag sa unang pagkakataon, habang P20,000 naman sa susunod at maaari pang makulong.

"Improved sanitation practices will help boost the local tourism industry which is trying its best to reinvigorate the country's tourist destinations in the competitive tourism market," sabi ni Magsaysay.

Samantala, pinaplano na rin ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagpapagawa sa mga 1,017 na pampublikong palikuran sa mga paliparan, pantalan, istasyon ng tren sa buong bansa, ayon kay Magsaysay.
 

ANIYA

DAGDAG

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EULOGIO MAGSAYSAY

FREE COMFORT ROOMS ACT

HOUSE BILL

MAGSAYSAY

PALIKURAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with