Bagyong 'Labuyo' tumama sa hilagang Luzon
Manila, Philippines – Bahagyang humina ang bagyong “Labuyo†matapos itong tumama sa kalupaan ng Casiguran, Aurora, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa Nueva Vizcaya kaninang alas-7 ng umaga.
May lakas na 165 kilometers per hour (kph) si Labuyo at bugsong aabot sa 200 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 22 kph.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo bukas ng umaaga.
Nakataas ang public storm warning signal number sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Hilagang Aurora.
Signal number 2 naman sa Calayan, Babuyan group of Islands, Zambales, Tarlac, natitirang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija, habang signal number 1 naman sa Batanaes, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, hilagang Luzin, Polilio island, Laguna, Cavite, at Metro Manila.
Palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng katamtamang hanggang malakas na buhos ng ulan sa Katimugang Luzon at Kanlurang Visayas.
Itinaas ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) ang red alert sa buong bansa.
Iniulat ng NDRRMC na aabot sa 224 pamilya na sa Albat at Camarines Norte ang naapektuhan ng bagyo, habang 8,709 na katao na ang stranded sa mga pantalan ng Bicol, Southern Tagalog, Eastern Visayas.
- Latest
- Trending