'Patalastas ng formula milk dapat ipagbawal'
MANILA, Philippines – Kasabay ng national breastfeeding awareness month, nais ng isang mambabatas na ipagbawal ang mga patalastas ng gatas para sa mga 0-24 buwang gulang na bata sa bansa.
Inihain ni Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla ang House Bill 105 o "Breastfeeding Promotion and Breastmilk Substitute Regulation Act" na naglalayong ipaalam sa mga nana yang kahalagahan ng pagpapasuso sa mga sanggol.
"By protecting, promoting and supporting breastfeeding in the Philippines, there will be more healthy, strong and intelligent Filipinos," sabi ni Mercado-Revilla.
Nakikita ni Revilla na epektibo ang pagpapasuso sa mga sanggol upang maging malusog ang mga ito.
"Considering that breast milk is the best form of nutrition for infants, it is essential that more women exclusively breastfeed their infants so that children will grow up physically, emotionally and mentally healthy," sabi ng artistang mambabatas.
Aniya nakakabuti ang pagpapasuso hindi lamang sa mga sanggol kun’di maging sa mga nanay mismo.
"Breastfeeding promotes a stronger bond between the mother and the child. Women who exclusively breastfeed their infants also benefit from the practice because it prevents menstruation, which is a natural form of birth control, reduces the risk of breast and ovarian cancer and helps them to return to their pre-pregnancy weight faster, and lowers cases of obesity," sabi ni Mercado-Revilla na asawa ni Senator Ramon “Bong†Revilla Jr.
Bukod sa pagbabawal ng mga patalastas, nais din ng panukala ni Revilla na magkaroon ng romming-in sa mga ospital, pagkakaroon ng imbakan ng gatas o “human milk banks†at lactation facilities sa mga opisina.
Nakasaad din sa panukala ang pagpapatupad ng mga programa upang ipaalam sa mga nanay ang kahalagahan ng pagpapasuso.
Maaaring magmulta ng P2 milyon at hindi bababa sa anim na taong pagkakakulong ang sinumang lalabag sa panukala.
- Latest
- Trending