Ilang bahagi ng The Fort, parte ng Makati hindi sa Taguig - CA
MANILA, Philippines – Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang apela ng Makati City na sakop nila ang ilang parte ng McKinley sa Fort Bonifacio.
Napagdesisyunan ng CA na parte ng lungsod ng Makati ang ilang bahagi ng naturang lugar at hindi lamang sa Taguig City.
Sinabi ni Associate Justice Marlene Gonzales-Sison sa 27-pahinang desisyon na paghahatian ng Makati at Taguig ang 729.15-hektaryang lupa ng McKinley.
"The complaint of Taguig for lack of merit and that the disputed area comprising of the 'Embo' Barangays and Inner Fort Barangays (Barangay Post Proper Northside and Barangay Post Proper Southside) in Fort Bonifacio are within the territorial jurisdiction of the Makati City," sabi ni Gonzales-Sison.
Kabilang sa mga “Embo†na barangay ay ang Cembo, South Cembo, West Cembo, East Cembo, Comembo, Pembo at Pitogo.
Inireklamo ng Makati City ang Taguig City dahil sa pag-aangkin nito sa buong Fort Bonifacio nang walang presidential decree at plebesito na kinakailangan sa ayon sa saligang batas.
Iniutos ng korte sa Taguig na bayaran ang Makati dahil sa pag-aangkin sa buong parte ng Fort Bonifacio.
Hindi naman sinabi naman sinabi ng korte kung magkano ang kailangang ibigay ng Taguig City.
Dahil sa pagpanig sa Makati ay ipinawalang bisa ng CA ang naunang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 noong Hulyo 2011 at Disyembre 2011.
Nagsimula ang agawan noong 1993 nang hingin ng Taguig City sa RTC na ilagay ang Fort Bonifacio sa kanilang jurisdiction.
Sina Associate Justices Hakim Abdulwahid at Edwin Sorsogon ang sumang-ayon sa desisyon ni Gonzales-Sison.
- Latest
- Trending