^

Balita Ngayon

Bagyong Kiko namataan sa Palawan

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging ganap nang bagyo ngayong Lunes ang binabantayang low pressure area sa probinsya ng Palawan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical  and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) namataan kaninang alas-4 ng hapon ang mata ng bagyong “Kiko” sa 280 kilometro hilaga-kanluran ng Puerto Princesa o sa 320 kilometro kanluran ng Coron, Palawan.

May lakas na 55 kilometers per hour (Kph) ang bagyong Kiko habang gumagalaw ito pa-kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at ang gma nalalabing bahagi ng Luzon, maging ang Mindanao.

Magiging bahagyang maulap naman sa Visayas na may pulo-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.

Si Kiko ang unang bagyo ngayong buwan ng Agosto at pang-11 ngayong taon.

Kaugnay na balita: Maulang Lunes dala ng LPA sa Palawan

Tinatayang magkakaroon ng tatlo hanggang apat na bagyo ngayong buwan.

Wala namang nakataas na public storm warning signal, ayon sa PAGASA.

 

AGOSTO

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

AYON

KIKO

MAULANG LUNES

METRO MANILA

PALAWAN

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL

PUERTO PRINCESA

SI KIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with