^

Balita Ngayon

P25K na sahod ng mga nars?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang maiwasan na mangibang bansa, isinusulong ng ilang mambabatas ang pagtataas ng sahod ng mga nars sa pampublikong ospital sa halos P25,000.

Nais nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate na hikayatin ang mga nars na manatili sa Pilipinas sa paghain nila ng House Bill 178 na naglalayong iangat sa Salaray Grade 15 na may buwanang sahod na P24,887 mula sa Salary Grade 11 na may P15,649.

"The bill aims to upgrade the minimum salary grade level of nurses to provide them with just compensation and to encourage more health workers to work in government hospitals instead of going abroad," sabi ni Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na dapat ay noong 2002 pa naitaas sa Salary Grade 15 ang sweldo ng mga Nars matapos ipatupad ang Philippine Nursing Act o ang Republic 9173 ng Kongreso.

"However, year after, it was proven to be an empty promise, with the government failing to allocate funds for its implementation," sabi ng mambabatas.

Ito ang nakikitang dahilan ni Colmenares kaya nangingibang bansa ang mga nars kung saan may mas malaking kita.

"This resulted in registered nurses seeking jobs abroad or in unrelated industries," sabi ni Colmenares.

"Despite the mushrooming of nursing schools in the country and the large number of graduates, there is (still) a shortage of working nurses in the country," dagdag niya.

 

vuukle comment

BAYAN MUNA REPS

CARLOS ISAGANI ZARATE

COLMENARES

HOUSE BILL

NERI COLMENARES

PHILIPPINE NURSING ACT

SALARAY GRADE

SALARY GRADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with