Lalaki pisat sa tren ng PNR
MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki matapos mapisat ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Lunes ng umaga sa Pandacan, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Confucius Ephraim Peralta na tubong Sta. Ignacia, Tarlac batay sa kanyang identification card.
Hindi pa makumpirma ng mga awtoridad kung aksidente ba ang nangyari sa Beata Station ng PNR bandang ala-6 ng umaga.
Ayon sa ilang mga saksi ay tumalon si Peralta habang papalapit ang tren na mula ng Tutuban.
Pero may mangilan-ngilan na nagsabing nadulas ang biktima na ilang metrong nakaladkad dahil sa basang platform at dami ng tao sa istasyon.
Pansamantalang naantala ang operasyon ng PNR ngunit bumalik din ito sa normal.
- Latest
- Trending