^

Balita Ngayon

P2M pabuya inialok vs CDO blast suspects

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mas mapabilis ang pagdakip, nag-alok na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ng pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga suspek ng pagsabog ng isang bistro sa lungsod noong nakaraang linggo.

Dalawang milyong piso ang inilaan ni Moreno na kukuhanin sa intelligence fund ng lungsod upang mas mapadali ang pagtugis sa mga suspek.

Walong katao ang namatay sa pagsabog na bomba sa Kyla’s Bistro sa loob ng Limkethai shopping complex sa Cagayan de Oro City bandang alas-11 ng gabi noong  Hulyo 26.

Kaugnay na balita: 8 na bilang ng mga nasawi sa CDO blast

Nakilala ang nasawi na sina Atty. Antonio Paredes, Dr. Erwin Malanay, Dr. Marciano Agustin, Unilab executive Reynaldo Dalupan and pharmaceutical representatives Manny Falafox, Anthony Canete at Ryan Saso Estose.

Karamihan sa mga biktima ay pawang mga kinatawan ng iba’t ibang pharmaceutical companies na dumalo sa isang convention ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP).

Nitong Lunes ay inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang computerized image ng tatlong suspek.

Kaugnay na balita: Computerized image ng 3 CDO blast suspects inilabas ng PNP

Noong Martes naman ay sinabi ni Moreno na malapit na nilang madakip ang mga suspek dahil sa mga nakuha nilang lead.

“May mga lead, and the police and law enforcement agencies are pursuing these leads...the number of leads gets smaller and the focus [becomes] deeper [and] is more thorough," sabi ni Moreno.                        

Kaugnay na balita: CDO blast suspects malapit nang madakip

vuukle comment

ANTHONY CANETE

ANTONIO PAREDES

DR. ERWIN MALANAY

DR. MARCIANO AGUSTIN

KAUGNAY

MANNY FALAFOX

MORENO

NITONG LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with