^

Balita Ngayon

COA hiniling silipin ang P24.8B pork barrel ni PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ipa-audit ng isang grupo ng mga mangingisda sa Commission on Audit ang P24.8 billion pork barrel na inaprubahan ng Kongreso para sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III nitong nakaraang taon.

"We hereby task state auditors of COA to perform a honest-to-goodness audit of the P24.8 billion pork barrel fund given to President Aquino last year. We deserve the real score and reel stories on the President's pork barrel fund," pahayag ni Pamalakaya vice chairperson Salvador France.

Para kay France, dapat nang tanggalin ang “audit free policy” sa pork barrel ng Pangulo dahil labag ito sa interes ng publiko.

"It is against public interest since an audit-free presidential pork barrel is not only prone to big time crime of corruption, but also give political and legal impunity to crimes of plunder and malversation of taxpayers' money," ani France.

Nanawagan si France matapos ibasura ng Palasyo ang kanilang petisyon na tanggalin na ang Social Fund ng opisina ng Pangulo.

Iginiit naman ng Malacanang na hindi ito maaaring tanggalin dahil kailangan ito upang pondohan ang kanilang mga proyekto.

"We are wondering why COA still refuses to audit the pork barrel of President Aquino. Until now, there is no report on how Mr. Aquino spent his PSF since he assumed the presidency in 2010,” sabi ni France.

"While Mr. Aquino enjoys immunity from suit being the incumbent president, he is not immune to public scrutiny on how he uses taxpayers' money. Let us all be clear here and this should be clear to COA," dagdag niya.

Sinabi ng Pamalakaya na mayroong P2.695 bilyon na intelligence fund ang opisina ng Pangulo kung saan P666 milyon dito ay inilaan sa national security monitoring kabilang ang mga kinakailangan sa Presidential Anti-Organized/Syndicated Crime and Transnational Crime Campaign.

Inilagay din ang P600 milyon sa confidential and intelligence na gastusin na ilalabas lamang kapag inaprubahan ng Pangulo.

Sinabi pa ng grupo na noong 2012 ay humingi ang opisina ng Pangulo ng P224.68 milyon na pondo para sa gastusin sa biyahe.

Nakatanggap din umano ng P14.2 bilyon ang opisina ng Pangulo para sa disaster management, hiwalay pa sa calamity fund na nagkakahalaga ng P7.5 bilyon.

MR. AQUINO

PAMALAKAYA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED

SALVADOR FRANCE

SINABI

SOCIAL FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with