Filipino Identification Card itinutulak sa Kamara
MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang mambabatas sa Kongreso ang pagkakaroon ng national information card ng bawat Pilipino upang makatulong sa mas mabilis na transaksyon sa gobyerno.
Sinabi ni Albay 2nd district representative Francis Bichara, may-akda ng House Bill 11, na makakatulong ang Filipino Identification Card (Filipino ID) upang mas bumuti ang serbisyo sa publiko na maaaring magamit ng Pilipino na nasa Pilipinas o nasa ibang bansa.
"This is one practical and doable way to facilitate and streamline government transactions," ani Bichara
"We need to establish an efficient tool in upgrading the speed and quality of public service in the country," dagdag ng mambabatas.
Layon ng panukala na magkaroon ng tamper-proof security material na Filipino ID upang maiwasan na magamit ito ng ibang tao sa masamang paraan.
Pero alam ni Bichara na maraming human rights groups ang tututol sa paggamit ng Filipino ID na dahil sa pangambang mawawala ang kanilang “right to privacy.â€
"To assuage this fear, the proposed law shall ensure that any information under the system will not be made available to third parties or entities but only under certain exceptional circumstances," sabi ni Bichara.
Siniguro pa ng mambabatas na hindi magagamit ng gobyerno ang mga impormasyon sa Filipino ID laban sa isang Pilipino.
"I am confident that the inclusion of safety provisions will assure certain sectors that the ID card system will never be used by the State to blackmail its citizens," giit ni Bichara.
Magkakaroo ng 10-taong validity ang Filipino ID na naglalaman ng biometric data ng cardholder.
Magiging libre ang unang pagkuha ng identification card at kinakailangan nang magbayad sa renewal nito.
Nitong Abril lamang ay muling binuhay ni sa Kamara ang panukalang national ID system kapalit ng cedula.
- Latest
- Trending