Claudine takot na kay Raymart?
MANILA, Philippines – Nilinaw ng artistang si Claudine Barretto na nais lamang niyang protektahan ang kanyang sarili at mga anak kaya nais niyang makakuha ng temporary protection order (TPO) kontra sa asawa niyang si Raymart Santiago.
Sinabi pa ni Claudine na wala siyang intensyon na sirain ang reputasyon ni Raymart sa paghingi niya ng TPO.
“Wala akong intensyon na sirain ang pagkatao ng asawa ko. I just want to protect my children and myself,†pahayag ni Barreto sa isang taped interview na umere sa primetime news program ng GMA 7 na “24 Oras kagabi.
“Kaya nga humantong sa ganito, kaya iiwan ko na lang sa korte ito lahat,†dagdag ni Claudine.
Kaugnay na balita: Protection order hiling ni Claudine vs Raymart
Kahapon ng umaga ay tumungo ng Marikina Regional Trial Court si Claudine kasama ang kanyang abogadong si Ferdinand Topacio upang humingi ng TPO dahil umano sa paglabag ni Raymart sa Republic Act No. 9262 o ang Violence Against Women and Children Act.
Sinabi naman ni Topacio sa panayam niya sa “TV Patrol†ng ABS-CBN na nakaranas daw ng pang-aabuso ang kanyang kliyente.
“He has committed a lot of those—physical, verbal, psychological, and even economical abuse. With this, she has reached a point of no return in her marriage with Mr. Santiago,†sabi ni Topacio.
Nitong nakaraang buwan lamang ay nag-post ng litrato si Claudine sa photo sharing service na Instagram kung saan pinakita niya ang kanyang pasa sa mukha.
Sinabi ni Topacio na hindi iyon ginawa ni Claudine sa kanyang sarili.
“We have witnesses and other proof to show that these are not self-inflicted wounds,†ani ng abogado.
Ayon sa isang ulat ay diringgin ng korte ang kahilingan ni Claudine bukas.
- Latest
- Trending