Computerized image ng 3 CDO blast suspects inilabas ng PNP
MANILA, Philippines – Naglabas na ng computerized image ang Philippine National Police (PNP) ng mga suspek sa pagsabog sa isang bistro sa Cagayan de Oro City kung saan walong katao ang nasawi.
Si PNP chief Director General Alan Purisima mismo ang nagpakita ng larawan ng tatlon suspek sa isang pulong balitaan sa Camp Crame ngayong Lunes.
“Itong mga sketches na ito lang ay mga probable [suspects] . . . evidence wise hindi pa but we have leads,†sabi ni Purisima.
Kaugnay na balita: ‘Bomber’ sa CDO may mukha na
Inilarawan pa ni Purisima ang unang suspek na may tindig na naglalaro sa 5â€5 hanggang 5â€6 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms, kayumanggi ang kulay ng balat, at edad na nasa 20 hanggang 30.
Nasa edad 40 naman ang pangalawang suspek na may tindig din na nasa 5â€5 hanggang 5â€6 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms, nakasuot ng brown na T-shirt at pantalon.
Mas maliit naman ng kaunti ang pangatlong suspek na nasa 5â€4 hanggang 5â€5 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms. Nakita itong naka gray T-shirt, sumbrero, at salamin sa mata.
Nabuo ang imahe ng tatlong suspek mula sa paglalarawan ng mga saksi at nabuhay na biktima.
Anim na katao ang kaagad nakitil sa pagsabog ng Kyla’s Bistro bandang alas-11 ng gabi nitong Biyernes, habang dalawa pa ang nasawi kahapon at kaninang umaga.
Nakilala ang nasawi an sina Atty. Antonio Paredes, Dr. Erwin Malanay, Dr. Marciano Agustin, Unilab executive Reynaldo Dalupan and pharmaceutical representatives Manny Falafox, Anthony Canete at Ryan Saso Estose.
Kaugnay na balita: 8 na bilang ng mga nasawi sa CDO blast
Aabot sa 50 katao naman ang sugatan sa pagsabog na hanggang ngayon ay inaalam pa rin ang responsable sa pag-atake.
"Ayaw natin i-dicuss ngayong investigation is ongoing. We are employing all the resources of the government actually pati LGUs ginagamit na natin dito, and hindi lang sa CDO kahit sa surrounding areas," sabi ni Purisima.
- Latest
- Trending