Mga 'hari' sa Customs pinagbibitiw ni Biazon
MANILA, Philippines – Matapos kastiguhin ni Pangulogn Benigno Aquino III sa State of the Nation Address, iniutos ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang pagbabalasa sa puwesto sa loob ng ahensya ngayong Biyernes.
“Kinakailangan naming magpakita ng aming determination na talagang tumupad doon sa reform agenda ng ating pamahalaan," pahayag ni Biazon sa pagsunod sa “Daang matuwid†ni Aquino.
Pinaliwanag ni Biazon na nitong mga nakaraang buwan lamang ay nagkaroon na sila ng balasa ngunit aniya muli itong gagawin upang masiguro na malilinis ang ahensya.
"Bagaman nagkaroon na tayo ng mga reshuffle noong nakaraan na mga buwan, itong panahon na ito na masasabi nating nailagay sa forefront ng atensyon ng publiko ang Bureau of Customs.â€
Iniutos ni Biazon sa mga “Kings†maging sa mga sub-port collectors, port at sub-port officers na magbitiw sa puwesto bilang aprte ng kanilang reporma sa ahensya.
"There are 17 kings, not three kings. That is figurative speech. All collection districts. All 17 kings and sub-kings. They are expected to submit their letters by Monday. If not, I will still carry out the reassignments," ani Biazon na naghain ng kanyang pagbibitiw sa puwesto ilang minuto matapos ang SONA ni Aquino.
Kaugnay na balita: Biazon tinamaan sa banat ni PNoy, nagbitiw sa puwesto
Kabilang sa mga pinagbibitiw ni Biazon na mga district collectors ay sina Fidel Villanueva IV ng San Fernando, Rogel Gatchalian sa Maynila, Ricardo Belmonte sa Manila International Container Port, Carlos So sa Ninoy Aquino International Airport, Rene Benavidez sa Batangas, Divina Garrido sa Legaspi, Julius Premediles sa Iloilo, Ronnie Silvestre sa Cebu, Leovigildo Dayoja sa Tacloban, Oswaldo Geli sa Surigao, Anju Nereo Castigador sa Cagayan de Oro, Hadji Abubakar Hamad sa Zamboanga, Matriano Bangcoy sa Davao, Errol Albano sa Subic, Edward dela Cuesta sa Clark International Airport, Enrico Turringan sa Aparri at Frederico Bulanhagui sa Limay.
- Latest
- Trending