^

Balita Ngayon

De Lima sa PNP-CIDG: 'Name them, now!'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ni Justice Justice Secretary Leila de Lima ang isang opisyal ng Philippine National Police na pangalanan ang sinasabi nitong tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbibigay umano ng proteksyon sa mga Chinese drug lords sa bansa.

"I challenge to name them now. As in now!" hamon ni De Lima sa isang pulong balitaan ngayong Huwebes.

Inilabas ni De Lima ang kanyang reaksyon sa paratang ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Senior Superintendent Jose Mario Espino na may mga NBI agent na nangangalaga kina Li "Jackson Dy" Lan Yan at sa asawa nitong si Wang Li Na.

Dagdag ni De Lima na kung hindi naman kayang pangalanan ni Espino ay mas mabuting manahimik na lamang ito.

"Name who those alleged agents are as I will immediately summon and confront him or them ... Otherwise they should shut up," sabi ni De Lima  na umapela sa PNP na huwag nang idawit ang NBI.

Sinabi ni Espino na namataan nila ang isang tauhan ng NBI sa kanilang apat na buwang pagmamanman sa tirahan ng mag-asawa.

Bukod sa NBI agents ay sinabi pa ni Espino na may mga kakuntsabang opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng media ang nangangalaga sa drug den.

Aniya sa pagkahuli ng mag-asawang tulak ng droga ay target ng mga nasa likod ng kalakaran na pabagsakin ang PNP.

"Their focus now is to destroy and discredit the police unit and their operatives. They can easily do it as they have entrenched connections among law enforcers, prosecutors, judges and even the media," sabi ni Espina.

 

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DE LIMA

JACKSON DY

JUSTICE JUSTICE SECRETARY LEILA

LAN YAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENIOR SUPERINTENDENT JOSE MARIO ESPINO

WANG LI NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with