SONA ni PNoy maaaring ulanin - PAGASA
MANILA, Philippines – Maaaring ulanin ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes ng umaga.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala namang namumuong sama ng ng panahon sa Philippine Area of Responsibility ngunit magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tsansang umulan sa Metro Manila mamayang hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.
Dagdag ng PAGASA na makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Nakatakdang ilahad ni Aquino ang kalagayan ng bansa mamayang alas-kwatro ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Bukod sa SONA ni Aquino ay magbubukas din ang 16th Congress kung saan ihahalal din ang bagong Senate President, Senate President Pro Tempore, House Speaker, Majority Leader at Minority Leader.
- Latest
- Trending