Paul McCartney ng The Beatles sinulatan si PNoy
MANILA, Philippines – Kahit ang tanyag na musikero na si Paul McCartney ng international band na The Beatles ay nanawagan na rin kay Pangulong Benigno Aquino III na palayain na ang elepanteng si Mali na nasa pangangalaga ng Manila Zoo.
Sinabi ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na sumulat si McCartney kay Aquino upang makiusap na alisin na sa Manila Zoo si Mali at dalhin ang elepante sa elephant sanctuary sa Thailand.
"I am writing to add my voice to the many others who are supporting the transfer of Mali, the lonely elephant currently being held at the Manila Zoo, to a sanctuary in Thailand as soon as possible. I respectfully urge you to use your good offices to expedite the transfer as, with every single day that she remains in the zoo, Mali suffers," sabi ni McCartney.
Dagdag ng musikero na si Aquino lamang ang may hawak sa kinabukasan at sa magiging kalagayan ng elepante.
"Action must be taken for this ailing elephant, and you hold the key," ani McCartney kay Aquino. "With the stroke of a pen, you can bring an end to her suffering, and I urge you, with all my heart, to direct that Mali be given that joy now.
Noong Mayo ay inaya ng Baywatch beauty at miyembro ng PETA na si Pamela Anderson si Aquino na mag-dinner upang pag-usapan ang kalagayan ni Mali.
Dahil sa elepante, Presidente Noynoy inaayang mag-dinner ni Pamela Anderson
Bukod kina McCartney at Anderson, ilang mga celebrity pa ang nanawagan kay Aquino na sina US rock band Smashing Pumpkins; modelong sina Julia Sniegowski, Ornusa Cadness, Isabella Gonzalez at Sanya Smith, OPM icon Ely Buendia, aktor at aktres na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na normal lamang ang mga nagpapadala ng sulat kay Aquino kaya hindi dapat ito maging isyu.
"It's a normal process where a lot of people, citizens, would write letters to government. And this is not a special issue," ani Lacierda.
Ibinasura naman ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga panawagan na ilipat si Mali sa Thailand.
Aniya magpapadala ang Sri Lanka ng dalawang elepante upang may makasama si Mali sa Manila Zoo.
- Latest
- Trending