Importer, broker kinasuhan dahil sa P15-M ukay-ukay
MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang importer at broker dahil sa ilegal na pagpasok sa bansa ng P15 milyong halaga ng "ukay-ukay."
Kinasuhan dahil sa paglabag sa Tarrifs and Customs Code sa Department of Justice sina Rommel Marasigan, may-ari ng Blue Shadow Trading at broker na si Mel Banas.
Ipinagbabawal ng batas ang pagpapasok sa bansa ng mga ukay-ukay upang masiguro ang kalusugan ng publiko.
Nasabat ng mga tauhan ng BOC ang mga ilegal na kargamento a container van mula Hong Kong noong Hunyo 10.
Sinabi ni Customs Commissioner Rozzano "Ruffy" Biazon na idineklara ang mga kagamitan bilang notebooks, binders, tailor shop accessories at trolley bags upang makaiwas sa Tarrifs Code.
"We will not allow Filipinos' health to be compromised by the illegal activities of irresponsible and profit driven traders and their cohorts in government," pahayag ni Biazon.
- Latest
- Trending