Pork barrel ng mga mambabatas hindi babawasan ng DBM
MANILA, Philippines – Kahit mainit ang isyu ng P10 bilyon pork barrel scam, walang planong bawasan ng Department of Budget and Management ang Priority Development Assistant Fund (PDAF) ng mga mambabatas para sa 2014.
Sinabi ni DBM secretary Florencio Abad sa isang panayam sa radyo na magpapatupad sila ng ibang patakaran upang maiwasan na hindi magamit ng wasto ang PDAF of pork barrel.
May nakalaang P27 bilyon ang gobyerno para sa PDAF ng mga mambabatas sa susunod na taon.
Samantala, nilinaw ng kagawaran na wala silang kinalaman o dapat mang panagutan sa pork barrel scam na kinabibilangan ng ilang senador at kongresista.
"As far as DBM is concerned, we only release to agencies. We never release to non-government entities," sabi ni Abad.
Pumutok ang balitang pangungurakot ng ilang mambabatas sa pamamagitan ng pagpapasok ng pera sa mga pekeng non-government organizations.
"As far as DBM is concerned, we only release to agencies. We never release to non-government entities," Abad said.
- Latest
- Trending