^

Balita Ngayon

SONA pinakanakakaantok na talumpati ng pangulo - UP prof

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang state of the Nation Address (SONA) ang pinakanakakaantok na talumpati ng isang pangulo, ayon sa isang political analyst.

Ayon kay Dr. Clarita Carlos, bukod sa mahaba ay ulat lamang ng mga nagawa at gagawin ng Pangulo ang laman ng SONA.

Pero kahit pa nakakaantok ang talumpati, kailangan pa rin gawin ng pangulo ang SONA dahil bahagi ito ng ritwal sa gobyerno at itinatakda ito ng Saligang Batas.

Click here to visit our special SONA page

"SONA is one of the least exciting speeches of the [President]... But you have to go through that kasi ritual siya eh," pahayag ni Carlos, na isa ring political science professor sa University of the Philippines (UP).

Sinabi rin ni Carlos na kailangang maipaintindi ni Aquino sa publiko ang tunay na kalagayan ng bansa at maipaliwanag ang kanyang mga plano sa nalalabing tatlong taon sa kanyang termino.

Aniya, kinakailangan na maipabatid sa publiko ang lahat ng ginagawa ng gobyerno.

“I think we need more report from them (government) that ‘Hey, we have done this for how many months already and this is what we are seeing,” sabi ni Carlos.

“Kulang yung report to the public na, ito yung ginagawa natin and these are the challenges we are confronting,” dagdag niya.

Samantala, nabanggit ni Aquino sa kanyang talumpati sa ika-67 na anibersaryo ng UP Beta Sigma fraternity noong Lunes na hindi pa tapos ang kanilang paghahanda para sa SONA.

"Kausap ko po ng mga tatlong oras ang aking mga speechwriters, at sinabi ko sa kanila, tulad ng dati, 'Malayo pa bago natin matapos ang paghahanda sa SONA,'" banggit ni Aquino.

ANIYA

AQUINO

AYON

BETA SIGMA

DR. CLARITA CARLOS

KAUSAP

NATION ADDRESS

SALIGANG BATAS

SONA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with