USM president nagbitiw, klase balik sa normal
MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa puwesto ang pangulo ng University of Southern Mindanao kasunod ng panawagan ng ilang grupo sa pagbaba niya.
Kusang-loob na nagbitiw si USM president Jesus Antontio Derije noong nakaraang lingo na aniya’y para sa ikabubuti ng marami ang kanyang ginawang desisyon.
Ang abogado at tagapangalaga ng paaralan na si Christopher Cabilen naman ang umuupong pinuno ng USM.
Sinabi ni Cabilen na nag-aantay na lamang si Derije ng bago itatalaga sa kanyang posisyon sa Commission on Higher Education.
Nahaharap sa kasong pangungurakot si Derije sa Ombudsman matapos siyang ireklamo ng ilang grupo dahil umano sa palpak na pamamalakad niya.
Anim na buwang naantala ang klase sa USM dahil sa pagbabarikada ng ilang grupo sa main gate ng paaralan.
Kaugnay na balita: Mga estudyante ng USM: Papasukin na kami!
Pumayag lamang ang mga raliyistang tanggalin ang barikada nitong Hunyo matapos italaga si Cabilen bilang office-in-charge.
Dahil dito ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon ng paaralan.
- Latest
- Trending