Walang parallel probe sa P10B scam sa Senado -Drilon
MANILA, Philippines - Ipauubaya na lamang ng Senado ang imbestigasyon sa National Bureau of Investigation ang umano'y P10-bilyon scam sa Priority Development Assistance Fund o "pork barrel, ayon sa isang Senador.
Sinabi ni Senator Franklin Drilon sa isang panayam sa radyo ngayong Lunes na walang plano ang Senado na magsagawa ng parallel investigation tungkol sa pondong ibinulsa ng mga mambabatas.
Sina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Gregorio Honasan, JV Ejercito at Bongbong Marcos, gayun din ang 23 Kongresista ang itinuturong naglalaan ng pondo sa mga "dummy organizations" o pekeng grupo.
Sinabi ni Drilon na hindi tamang magsagawa sila ng sariling imbestigasyon dahil kapwa senador niya ang mga sinisilip.
Dagdag ng beteranong senador na pinag-aaralan na rin niyang isulong ang pagbasura ng pork barrel sa Kongreso dahil hindi naman ito nagagamit ng wasto.
Pero aminado si Drilon na mahihirapan siyang makumbinsi ang kapwa mambabatas na sumang-ayon dito.
- Latest
- Trending