^

Balita Ngayon

Bayan kay PNoy: Pag-usapan ang water rate hikes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ng militanteng grupong Bayan na basagin na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pananahimik sa pagtataas ng singil ng dalawang pribadong water concessionaire.

Sinabi ng grupo na dapat ay banggitin ni Aquino ang kanyang reaksyon sa paparating na State of the Nation Address (SONA).

"There is no escaping it when SONA comes. The President must speak out on the issue of high water rates and the problems with the current MWSS concession agreement. The issue strikes at the very heart of the government’s privatization program," ani Bayan secretary general Renato Reyes Jr.

Nanawagan ang Bayan kay Aquino habang nagsasagawa ng kilos protesta upang ireklamo ang planong pagtataas ng singil sa harapan ng opisina ng Manila Water sa Cubao, Quezon City.

Nitong linggo ay nagpaliwanag ang Manila Water at Maynilad sa isang patalastas ang kanilang paniningil na sang-ayon umano sa usapan nila ng gonyerno.

"Is the President for or against high water rates and is he going to review the water concession agreement. Billions of pesos were charged from consumers because the private firms believed they could do so under the concession agreement," dagdag ni Reyes.

Hinala ni Reyes na nais protektahan ni Aquino ang public-private partnership nila ng dalawang water concessionaire upang magamit ito sa iba pang programa.

Una nang hinarang ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System- Regulatory Office ang ginagawang pagpapasa ng pagbabayad ng income tax ng Maynilad at Manila Water sa mga consumer nito.

Kinontra naman ito ng dalawang kompanya at nagbantang iaakyat ang usapin sa international arbitration kung hindi masusunod ang kanilang gusto.

 

AQUINO

BAYAN

IS THE PRESIDENT

MANILA WATER

MAYNILAD

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUEZON CITY

REGULATORY OFFICE

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with