^

Balita Ngayon

'Huaning' papasok sa PAR ngayong tanghali - PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papasaok ngayong tanghali sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Huaning” (international name Soulik), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni weather forecaster Alvin Pura na patuloy na gumagalaw patungong Batanes ang bagyo at maaaring pumasok sa PAR sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-12 ng tanghali.

Namataan ang bagyo 1,260 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes kaninang alas-9 ng umaga.

May lakas na 150 kilometers per hour si Huaning ay may bugsong aabot sa 185 kph habang gumagalaw ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Sinabi pa ni Pura na hindi direktang tatamaan ang Pilipinas ngunit palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa kanluraning mga probinsya sa Luzon at Visayas sa Huwebes.

"Expect natin kung magtuloy-tuloy si Soulik, by Thursday afternoon maranasan natin ang pag-ulan," ani Pura.

Nilinaw din ni Pura na hindi tatama sa lupa ang bagyo kaya naman hindi rin maaapektuhan ang Metro Manila.

Inaasahan na lalabas ang bagyo sa PAR sa Sabado.

ALVIN PURA

BATANES

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUANING

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PURA

SINABI

SOULIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with