Public apology, nais pa rin ng pamilya ng nasawing mangingisdang Taiwanese
MANILA, Philippines – Humihingi pa rin ng public apology mula sa gobyerno ng Pilipinas ang kamag-anak ng nasawing mangingisdang Taiwanese matapos barilin ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Mayo 9 sa Balintang Channel.
Sinabi ni Hung Tzu-chien, anak ng nasawing mangingisda na si hung Shih-cheng, sa Central News Agency ng China na kailangan munang humingi ng kapatawaran ng Pilipinas sa kanila bago ito makipag-ayos sa Taiwan.
Pero sinabi ni Hung na may ilang negosyador ang nakikipag-ayos sa kanilang pamilya ngunit hindi niya sigurado kung mula ito sa Pilipinas.
Noong nakaraang buwan pa naibigay ni Justice secretary Lelia De Lima kay Pangulong Benigno Aquino III ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa insidente.
Kaugnay na balita: NBI final report sa Balintang shooting hawak na ni Noy
Isa sa mga rekomendasyon kay Aquino matapos ang imbestigasyon ay kasuhan ang mga tauhan ng PCG na naroon nang mangyari ang insidente, pero hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang Palasyo.
- Latest
- Trending