Korean superstar Lee Min Ho nasa Pinas na
MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ngayong Biyernes ang Korean superstar na si Lee Min Ho para sa isang concert sa SM Mall of Asia bukas.
Pagbaba pa lamang sa Ninoy Aquino International Airport ay kaagad na dinumog ng mga nagtitiliang fans ang Korean actor na nakasuot ng puting t-shirt, itim na pantalon at slip-on footwear.
Ang muling pagbisita sa Pilipinas ni Lee ay parte ng kanyang worldwide tour na "My Everything."
Nice to see you again, Manila!
— Lee Min Ho (@ActorLeeMinHo) July 4, 2013
Nakilala ang 26-anyos na si Lee sa kanyang Koreanovelang Boys Over Flowers at City Hunter.
- Latest
- Trending