37 pasahero ng Cebu Pac humihingi ng tig-P1M
MANILA, Philippines – Humihingi ng tig-P1 milyon ang 37 pasahero ng Cebu Pacific na sumadsad sa runway ng Davao International Airport bilang danyos sa aksidente.
Sinabi ng abogadong si Robert de Leon, legal counsel ng 37 miyembro ng Flight 5J 971 Crash Victims Association Inc., na nagpadala na sila ng formal demand letter sa Cebu Pacific upang humingi ng P1 milyon na danyos para sa bawat isang pasahero.
"The concern of the Association is their claim for compensation for the emotional distress and the trauma that they have experienced," pahayag ni De Leon sa isang panayam sa telebisyon ngayong Miyerkules.
Aniya umaasa ang mga biktima na makakatanggap sila ng sagot sa loob ng tatlong linggo. Dagdag ni De Leon na maaari silang dumiretso sa korte kung hindi nila nagustuhan ang tugon ng Cebu Pac.
Sinabi pa ni De Leon na 37 sa 165 na pasahero ng sumadsad na eroplano ang desididong ituloy nag kaso.
"Some passengers may have their own course of action against Cebu Pacific," ani ng abogado.
Sumadsad ang harapang bahagi ng eroplano noong Hunyo 2 matapos itong lumapag kasabay ng matinding buhos ng ulan.
Kahapon ay sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang dalawang piloto ng eroplano matapos lumabas sa imbestigasyon na pilot error ang dahilan ng aksidente.
Kaugnay na balita: 2 piloto ng Cebu Pac suspendido
Anim na buwang suspendido ang kapitan na si Ruel Oropesa, habang tatlong buwan si first officer Edwin Perello.
Hindi naman pinarusahan ng ahensya ang Cebu Pacific dahil sa insidente.
"Actually, the victims would have wanted Cebu Pacific's operations to be suspended just like what the government did with the other shipping companies who had the same incident," sabi ni De Leon.
Nagpahayag naman ang pamunuan ng Cebu Pacific na susunurin nila ang mga rekomendasyon ng CAAP upang mapabuti ang kanilang serbisyo.
"Safety has always been the highest priority for Cebu Pacific. We aim to provide the safest airline service possible for the millions of passengers who travel with us every year," sabi ng Cebu Pacific.
- Latest
- Trending