Pacquiao katabla si Ledesma bilang 'top absentee' solon
MANILA, Philippines – Tanging 21 sa kabuuang 270 na mga kongresista ng House of Representatives ang nakakuha ng perfect attendance ngayong 15th Congress.
Base sa attendance record na nakalathala sa website ng House of Representatives, tanging 21 mambabatas lamang ang nakadalo sa 168 na sesyon ng Kongreso mula Hulyo 26, 2010 hanggang Hunyo 6, 2013.
Pero walo lamang talaga sa 21 mambabatas ang “actually present†sa lahat ng sesyon ng Kongreso at ito ay sina: Reps. Dato Arroyo (Camarines Sur), Leopoldo Bataoil (Pangasinan), Speaker Feliciano Belmonte Jr (Quezon City), Edcel Lagman (Albay), Cutie De Mar (Cebu City), Salvio Fortuno (Camarines Sur), Roilo Golez (Parañaque) at David Kho (Masbate).
Ang nalabing 13 Kongresista ay itinuring na present alinsunod sa patakaran ng Kongreso. Ito ay sina: Giorgidi Aggabao (Isabela), Emmeline Aglipay (Diwa party list), Bolet Banal (Quezon City), Winston Castelo (Quezon City), Neptali Gonzales II (Mandaluyong City), Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon party list), Florencio-Noel (An Waray party list), Reena Concepcio-Obillo (Una Ang Pamilya party list), Angelo Palmones (AGHAM party list), Roberto Puno (Antipolo City), Miro Quimbo (Marikina City), Rene Relampagos (Bohol) at Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City).
Samantala, nangunguna naman sa listahan si Filipino boxing icon at Saranggani representative Manny Pacquiao bilang “top absentee†katabla si Negros Occidental Representative Jules Ledesma IV na dumalo lamang ng 108 session days.
Nakapagtala lamang si Pacquaio ng 98 na “actually present,†habang 100 kay Ledesma na mayroong 45 absences without notice.
Kabilang din ang mag-inang Ang Galing party-list Rep. Juan Miguel Arroyo at dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Pumasok lamang si Miguel Arroyo ng 112 session days, habang 111 kay Gloria Arroyo na nailagay sa hospital arrest dahil sa kasong plunder noong Oktubre 2012.
- Latest
- Trending