^

Balita Ngayon

Arsobispo tatanggap ng 'pallium' kay Pope Francis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatanggap si Caceres Archbishop Rolando Tirona sa Sabado ng “pallium” mula kay Pope Francis para maging tanging Pilipinong arsobispo na tatanggap ng “most special symbol” ng simbahang Katoliko sa taong ito.

Sa balitang lumabas sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), dumating nitong kamakalawa si Tirona sa Rome para dumalo sa Papal Mass at pagbibigay ng pallium sa mga bagong arsobispo sa buong mundo.

"The pallium is a vestment made of white wool only worn by the pontiff and by archbishops. The pope uses the pallium to symbolize the plenitude of pontifical office," sabi sa balita.

"For archbishops, it signifies the authority given to them by the pope over their respective archdioceses, particularly their bond and shared responsibility with the pontiff to pastors in their regions," dagdag nito.

Ibinibigay ng Santo Papa ang pallium sa mga bagong arsobispo sa bong mundo tuwing kapistahan ni St. Peter at St. Paul.

Si Tirona lamang ang tanging Pilipinong arsobispo na makakakuha ng pallium ngayong taon at kauna-unahang Pinoy na makakatanggap nito mula kay Pope Francis.

Sinabi ng CBCP na ang 66-anyos na Carmelite missionary ang huling arsobispong itinalaga ni Pope Emeriuts Benedict XVI noong nakaraang taon bago bumaba sa kanyang puwesto.

Igagawad ng pallium sa mga bagong metropolitan na arsobispo sa St. Peter’s Basilica sa ganap na 9:30 ng umaga (3:30 ng hapon sa Maynila) sa Linggo.

 

CACERES ARCHBISHOP ROLANDO TIRONA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

PALLIUM

PAPAL MASS

PILIPINONG

POPE EMERIUTS BENEDICT

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SI TIRONA

ST. PAUL

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with