Elementary school sa Marikina nakatanggap ng bomb threat
MANILA, Philippines – Kinansela ang pang-umagang klase sa isang pampublikong paaralan sa Marikina City ngayong Martes matapos magkalat ang isang babae ng balitang may sasabog na bomba.
Sinabi ni Marciana de Guzman, punong-guro ng Nangka Elementary School, na isang Mrs. Cruz ang nagkalat ng balitang may nakatanim na bomba sa loob ng paaralan.
"Sinabi nya na may bomba sa eskwelahan kaya yung mga magulang nag-panic at gustong kunin yung mga anak nila," pahayag ni De Guzman.
Aniya sinuspinde niya ang pang-umagang klase at humingi ng tulogn sa mga pulis upang mapalagay ang mga magulang.
Hanggang ngayon ay hinahalughog ng mga pulis ang paaralan upang hanapin ang umano’y nakatanim na bomba.
Sinabi pa ni De Guzman na naka depende ang pasok sa panghapon na klase sa resulta ng clearing operation ng mga pulis.
Samantala, pinaghahahanap na rin ng mga awtoridad ang Mrs. Cruz na nagkalat ng bomb threat.
- Latest
- Trending