Palasyo pinag-aaralang ilabas ang oil depot ng Maynila
MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Malacañang ang planong ilipat ang Pandacan oil depot mula sa Sta. Ana, Maynila dahil sa umano’y tumagas na langis at iba pang produktong petrolyo sa ilog Pasig nitong weekend.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ngayong Lunes na tinututukan na ng Office of Executive Secretary Paquito Ochoa ang insidente matapos iakyat ang isyu sa Office of the President.
“Pinag-aaralan po yan ng Office of the Executive Secretary and we will let you know kung ano ang magiging resulta ng pag-aaral na yun,†sabi ni Lacierda sa isang pulong balitaan.
Aabot sa 100 litro ng bunker oil ang kumalat kahapon sa ilog Pasig sa Maynila bandang alas-2 ng madaling araw.
Umabot ang masamang amoy hanggang sa Palasyo kung saan ang ilang residenteng malapit sa ilog ay dumadaing ng kahirapan sa paghinga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Iniimbestigahan pa rin ng Marine Environmental Protection Unit ng PCG ang insidente.
- Latest
- Trending