DOLE ipinapatawag ang assistant labor attaché ng Riyadh
MANILA, Philippines – Pinapauwi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang assistant labor attaché sa Riyadh, Saudi Arabia upang sumailalim sa imbestigasyon ukol sa ‘sex-for-fly’ scheme sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Lea Fortuna, pinuno ng DOLE investigating team, sa isang panayam sa radyo na mayroon nang kautusan upang umuwi si Assistant Labor Attache Antonio Villafuerte.
Noong Hunyo 18 ay isiniwalat ni Akbayan Rep. Walden Bello ang umano’y prostitusyon sa mga na-stranded na OFW sa Gitnang Silangan kung saan ibinubugaw sila kapalit ng pagpapauwi sa bansa.
Tatlong testigo na ang naghayin ng kanilang sinumpaang salaysay ukol umano sa pangaabuso sa kanila
Nagpasa na rin ng affidavit ang tatlong umano’y biktima kay Fortuna at Ophelia Almerio sa Overseas Workers Welfare Administration.
- Latest
- Trending