^

Balita Ngayon

2 babaeng OFW tatayong testito sa 'sex-for-fly' probe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatayong testigo ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa imbestigasyon ng ‘sex-for-fly’ scheme na kinabibilangan ng mga labor officials sa Gitnang Silangan.

Bukod sa pagkuha ng hustisya, sinabi ng isang testigo na itinago sa pangalang “Michelle,” na nais niyang matigil na ang pambibiktima ng mga labor officials sa iba pang OFW.

"Opo, (tetestigo ako) para magbago naman ang sistema nila. Ayaw po namin na may mabiktima uli," pahayag ni Michelle sa isang panayam sa radyo.

Kahapon ay inamin ni Michelle na inalok siya ng mga “indecent proposal” mula sa mga labor officials ng Riyadh, Saudi Arabia kapalit ng kanyang pagpapauwi.

"[G]usto lamang namin ng tulong, handa naman po kaming tumestigo po. Gusto lamang ng proteksyon at makabalik ng ibang bansa nang wala pong alinlangan," dagdag ng OFW.

Sinabi ni Michelle kahapon na ayaw niyang tumestigo dahil sa takot na bawian siya ng mga opisyal ng gobyerno.

Samantala, isa pang OFW na nakilalang si “Analisa” ang nagsabing muntik na siyang ibugaw ng isang empleyado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia kapalit ng tiket sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

"[N]akahanda naman po ako (magbigay ng testimonya) basta talagang mabibigyan kami ng hustisya sa mga ginawa sa amin," pahayag ni Analisa sa hiwalay na panayam sa radyo.

Lumitaw ang umano’y dalawang biktima matapos isiwalat ni Akbayan party-list Rep. Walden Bello ang “sex-for-fly” scheme sa Gitnang Silangan.

Inakusahan ni Bello si Mario Antonio, assistant labor attaché in Amman, Jordan, na nambubugaw ng mga babaeng OFW kalapit ng kanilang pagpapauwi. Itinuro rin ni Bello ang isang Kim mula sa Damascus, Syria at Blas Marquez ng POLO sa Kuwait.

Sa unang pagkakataon ay nagpakita na sa publiko si Antonio at itinaggi ang mga alegasyon sa kanya.

Kaugnay na balita: Labor officer sa 'sex-for-fly' humarap sa publiko

"Ako ay nakahandang sagutin ang mga katanungan sa tamang venue at panahon upang lumabas ang katotohanan at mapatunayan ang aking kawalang-sala. I'm submitting myself to full investigation," sabi ni Antonio sa isang televised press kahapon.

"Bigyan naman po ako ng pagkakataong linisin ang aking pangalan. Hinihingi ko rin na huwag niyo akong agad husgahan," dagdag ni Antonio.

Sinimulan na ng DOLE at ng DFA ang magkahiwalay na imbestigasyon sa kontrobersiya at nanawagan sa mga biktima na maghayin ng pormal na reklamo laban sa mga labor officers na sangkot sa naturang raket.

 â€œWe take this kind of allegations very seriously,” ani Deparment of Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz.

Sinabi naman ng Malacañang na hindi nila palalampasin ang umano’y “sex-for-repatriation” scheme sa Gitnang Silangan.

 â€œLet’s let DFA establish the facts first and if these reports are true, then, certainly, we will not tolerate that,” pahayag ni Secretary Ramon Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.

Kinondena na rin ng mga senador na sina Loren Legarda at Pia Cayetano pati ang Philippine Commission on Women ang isyu.

Para sa kanyang parte ay sinabi ni acting Senate President Jinggoy Estrada na ipapanukala niyang gawing piso lamang ang badyet ng Department of Foreign Affairs at DOLE kapag hindi na resolba ang umano’y prostitusyon.

Kaugnay na balita: Piso na budget sa DOLE, DFA - Jinggoy

 

ANALISA

BLAS MARQUEZ

GITNANG SILANGAN

LABOR

MICHELLE

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with