'Emong' nakalabas na ng Pinas
MANILA, Philippines - Nakalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong "Emong," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes.
Base sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, nasa 570 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes na kaninag alas-4 ng madaling araw ang mata ng bagyo.
May lakas pa rin itong 75 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 90 kph habang gumagalaw ito pa-hilaga sa bilis na 22 kph.
Samantala nasa 450 km kanluran ng Ambulong, Tanauan, Batangas naman ang binabantayang low pressure area ng weather bureau.
Sa kabila ng pag-alis ng bagyo, Uulanin pa rin ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region.
Magiging maulap naman sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at sa mga nalalabing lugar sa Luzon na makakaranas ng mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan na may pagkulog at kidlat.
Asahan namang magiging maulap din na may kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at kidlat sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
- Latest
- Trending