^

Balita Ngayon

2 bata nalunod sa ilog sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines – Dalawang bata ang nalunod matapos anurin ng rumaragasang baha mula sa Pulangi River sa Pagalungan, Maguindanao nitong Martes dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Narekober ng mga awtoridad ang palutang-lutang na bangkay ng dalawang biktima matapos ang limang oras na paghahanap. Kapwa katutubong Maguindanaon ang mga biktima na anim-na-taong-gulang at tatlong-taong-gulang.

Samantala, higit 10,000 na residente ng Pagalungan at Montawal ang lumikas na dahil sa pag-apaw ng mga ilog bunsod ng walang tigil na pag-ulan mula noong nakaraang linggo.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung paano nalunod ang dalawang bata.

Nangyari ang insidente pagkatapos makapagligtas ang mga awtoridad ng isang nalulunod na bata. Ang bata na nakilalang si Annie ay tumatawid sa hanggang baywang na baha sa bayan ng Pagalungan.

DALAWANG

INAALAM

KAPWA

MAGUINDANAO

MAGUINDANAON

MONTAWAL

NANGYARI

NAREKOBER

PAGALUNGAN

PULANGI RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with