^

Balita Ngayon

Rescue operations sa lumubog na RORO, itinigil na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinigil na ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong Lunes ang rescue operations para sa mga posibleng pang survivor ng paglubog ng M/V Lady of Mt. Carmel sa isla ng Burias sa Masbate nitong Biyernes.

Sinabi ni Bernardo Alejandro IV, pinuno ng OCD Bicol Region, na magsasagawa na sila ng search-and-retreival  operations para sa pitong katao na nawawala.

"Effective today, we shifted our search operations from rescue to retrieval. That means we will stop extensive searches for possible survivors," pahayag ni Alejandro sa isang panayam sa radyo.

Tinukoy din ng pinuno ng OCD Bicol Region ang masamang panahon sa paligid ng Masbate.

Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pitong pasahero pa ng M/V Mt. Carmel ang nawawala na nakilalang sina Abegail Barredo, Noan Manocan, Fe Rapsing, Leticia Andaya, Jonas Comidor, Arianne Comidor, at Jocelyn Danao.

Sa pitong nawawala, tanging sina Barredo, Manocan, at Andaya lamang ang nakalista sa manifesto ng barko.

Lumubog ang barko na pagmamay-ari ng Medallion Shipping Lines sa Claveria, Burias Island bandang 5:45 ng umaga nitong Biyernes, kung saan dalawang katao ang kumpirmadong nasawi, habang nailigtas naman ang 39 pasahero at 22 tauhan.

Nakilala ang mga nasawing biktima na si Carlota Senga, 58, at Erlinda Julbitado, 59.

 

 

ABEGAIL BARREDO

ARIANNE COMIDOR

BERNARDO ALEJANDRO

BICOL REGION

BIYERNES

BURIAS ISLAND

CARLOTA SENGA

ERLINDA JULBITADO

FE RAPSING

MT. CARMEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with