CebuPac pilots sa NAIA mishap, grounded
MANILA, Philippines – Hindi muna maaaring magpalipad ng eroplano ang mga piloto ng Cebu Pacific flight na nakasira ng runway lights ng Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes ng hapon, ayon sa opisyal ng Palasyo ngayong Biyernes.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na base sa nabanggit sa kanya ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General William Hotchkiss III, awtomatikong grounded ang mga piloto ng Cebu Pacific at kailangang sumailalim sila sa medical exam.
"The incident will be submitted to the Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board and to the Flights Standards Inspectorate Service. Additionally, the aircraft itself will be subject to a thorough maintenance inspection. So we should wait for the results of that,†pahayag ni Valte.
Aniya, nagsimula na ang imbestigasyon ng CAAP sa insidente.
Nasira ng Flight 57-558 ang limang ilaw ng runway ng NAIA sa Terminal 3 nitong Huwebes ng hapon matapos sa hindi maayos na pagpapalapag ng eroplano. May mga ulat na hinampas ng malakas na hangin ang eroplano, dahilan ng panibagong "bad landing."
Walang nasaktan sa insidente na naganap sa Runway 6 ng paliparan,
Dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan nang sumadsad ang nguso ng eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Davao International Airport.
Dalawang araw naparalisa ang operasyon ng paliparan dahil sa nakaharang na eroplano sa runway at aabot sa P250 miyong ang nawala sa lokal na ekonomiya ng Davao City.
- Latest
- Trending