^

Balita Ngayon

Ilang kolehiyo at unibersidad sa MM nagsuspinde ng klase

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng ilang kolehiyo at unibersidad sa lungsod ng Maynila at Quezon ang mga klase dahil sa matinding buhos ng ulan at pagbaha ngayong Huwebes.

Suspendido ang panghapong klase sa:

Adamson University
University of Santo Tomas
University of the Philippines-Manila
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
San Beda College
College of Saint Benilde
De La Salle University
Philippine Women University
Far Eastern University
San Sebastian College
Sta. Isabel College
St. Paul College sa Manila at Quezon City
St. Scholastica's College
University of the East-Manila

Kinansela na rin ang pasok sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Maynila.

Naglabas na ng flood alerts ang Metropolitan Manila Development Authority sa Maynila partikular sa Espana at Taft avenue.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA kaninang 3:35 p.m., apektado ang malaking parte ng Metro Manila at probinsya ng Cavite. Kabilang dito ang mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa, Quezon, Pasay, Maynila at Camanava area; Dasmarinas sa probinsya ng Cavite.

Sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang matinding buhos ng ulan.

ADAMSON UNIVERSITY

CAVITE

COLLEGE OF SAINT BENILDE

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

ISABEL COLLEGE

LAS PINAS

MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with